• sa•pó•te nég•ro

    1. :
      punongkahoy (Diospyros ebenaster) na 20 m ang taas, eliptiko ang mga dahon, may bungang bilóg na malamán at nakakain, at ipinasok sa Filipinas mula Mexico noong panahon ng Espanyol
  • nég•ro

    1. :
      itim o maitím, nég•ra kung babae
  • sa•pó•te

    1. :
      punongkahoy (Pouteria sapota) na tumataas nang 15 m, may bungang bilugan at may lamáng kakulay ng tsiko at nakakain, katutubò sa Mexico at Gitnang Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol
  • Nég•ro (níg.ro)

    1. :
      hinggil sa itim na lahi ng sangkatauhan, lalo ang nagmula sa Aprika, na may kayumanggi hanggang itim na balát, malapad at sapád na ilong, makapal na labì, at kulot na buhok